“MAKAPAG-ARAL AY KARAPATAN MO! MAGPALISTA NGAYONG MARSO”
“Early Registration for SY 2022-2023”
March 25-April 30, 2022
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng SY 2022-2023, ang mga paaralan ay magsasagawa ng “Early Registration”. Inaanyayahan ang mga magulang (guardian) ng mga sumusunod na magpalista:
Kindergarten: Mga batang limang (5) taong gulang sa o bago mag Oktubre 31, 2022 (DepEd Order No. 47, s. 2016/DepEd Order No. 20, s. 2018)
Grade 1: Mga batang nakapagtapos ng Kindergarten sa S.Y. 2021-2022 (Mga Batang Kindergarten ngayon).
Transferees: Mga batang mula Grade 2-Grade 6 na nagnanais lumipat.
Balik-Aral: Mga batang nagnanais bumalik sa pag-aaral.
Mga Dokumento na Kailangang Isumite:
Kindergarten
Photocopy ng PSA Birth Certificate
No PSA Birth Certificate: Magpasa ng photocopy ng alinman sa sumusunod *NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form
Grade One
Batang Kindergarten completer.
Original Kinder Report Card
Photocopy ng PSA Birth Certificate
No PSA Birth Certificate: Magpasa ng photocopy ng alinman sa sumusunod *NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form
Transferees (Grade 1 to Grade 6)
Basic Education Form (Ito’y maaaring makuha sa paaralan kung saan magpapalista)
Original Report Card (SF9) na may pirma ng Adviser at Principal
Photocopy ng PSA Birth Certificate
Kung may katanungan at nais na linawin, maaaring bisitahin ang Facebook page ng paaralan.
Mahalagang Paalala
Siguraduhin lamang na sumusunod sa mga safety protocols na ipinapatupad sa ating paaralan.
Palaging magsuot ng facemask.
Magdala ng sariling ballpen.